Isinagawa
namin ang adbokasiyang ito sapagkat bilang mga mamamayan ng Pilipinas ay
nababatid namin ang kahirapan ng ilan sa ating mga kababayan hinggil sa
pagbabaybay ng mga salita. Bukas ang aming mga kaisipan na maraming lugar dito
sa bansa ay nagiging paksa ng usapan dahil sa mga nagkalat na karatula/ mga
paskil na may maling baybay ng mga salita. Ang paksa ng adbokasiyang ito ay
napakahalaga sapagkat ito ay sumasaklaw sa baybay ng mga salita na alam nating
malaki ang papel na ginagampanan sa pang-araw-araw nating pamumuhay dito sa
bansa.
Mithiin
namin na sa katapusan ng gawaing ito ay maging malinaw para sa amin ang mga
dahilan ng mga pagkakamaling nagaganap sa baybay ng mga salitang Pilipino at
maging sa mga ordinaryong salitang banyaga. Sa gayon, magkakaroon kami ng
pagkakataon na malaman ang iba’t-ibang solusyon upang maituwid ang
pangkasalukuyang isyung ito. Inaasahan din namin na ang mga kapwa namin
estudyante ay magkakaroon ng iba’t-ibang ideya kung bakit nga ba itinuturing na
suliranin ng bansa ang pagkakamali sa baybay ng mga salita.
Ang
adbokasiyang ito ay binuo upang hindi maliitin ng mga edukadong tao ang mga
mamamayang kinulang sa pormal na edukasyon. Isinagawa din namin ito upang
mabuksan ang isipan ng bawat Pilipino hinggil sa akala natin ay simpleng isyu
lamang ngunit sa likod pala nito ay ang mas malalim na dahilan kung bakit ito
naganap. At huli ay upang ang bawat estudyante sa iba’t-ibang paaralan dito sa
bansa ay higit na bigyang-pansin ang balarila’t ortograpiya ng wikang Filipino.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento