Walang
nilalang ang Diyos na perpekto; lahat tayo ay nagkakamali. Kaakibat ng bawat
pagkakamaling nagagawa natin ay ang mga bagay na ating natututunan mula dito.
Oo, hindi masamang magkamali- pagkakamali sa mga desisyon, at maging sa mga
simpleng bagay sa paligid natin katulad
na lamang ng pagbabaybay ng mga salita. Ngunit kung ating sisiyasatin sa mas
malalim na punto, bakit nga ba may mga Pilipinong salat sa kaalaman sa tamang
pagbaybay ng mga ordinaryong salita?
Ang
tanging nagbigay-daan sa amin upang isagawa ang adbokasiyang ito ay ang ating
mga kababayan na patuloy na nakikipagsapalaran sa hamon ng buhay kahit hindi
gaanong nakatamasa ng isang pormal na edukasyon. Ilan sa mga imaheng
pagkakamali na aming tinutukoy ay ang isang babaeng tubong Baguio City na
nagtitinda ng “strawberry” ngunit ang baybay nito sa paskil ay “stroberry”. Isa
pa nito ay ang imahe ng pampasadang dyip
na may karatulang Blumentritt-Novalechis na dapat ay “Novaliches”.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento