DISENYO NG PROYEKTO:
ADBOKASIYA
ULING dapat at hindi “oling” “Pork” ay nangagahulugang karne ng baboy.
FORK ang tamang
baybay.
Pinagmulan: www.google.com.ph
Sa simula ng adbokasiyang ito
ay tinalakay ang mga kaligiran at katotohanan na nagbigay-daan para samin upang
isagawa ito. Ginamitan namin ng salitang Juan Dela Cruz ang pamagat sapagkat
ito ay tumutukoy sa ating mga Pilipino. Ang mga rasyunal, mithiin, at layunin
nito ay umiikot lamang sa mga di-gaanong edukadong tao, mga Pilipinong may
malasakit, at sa mga estudyante. Sila
rin ang higit na makatatanggap ng mga benepisyo
at inaasahang pagmumulan ng isang napakagandang resulta.
Sa aming isasagawang blog,
ilalagay namin ang kaligiran ng konseptong papel na ito. Gagamit kami ng mga
larawang may mga angkop na kapsyon upang maging mas malinaw para sa mga
mambabasa ang nais ipabatid ng aming grupo hinggil sa aming adbokasiya.
Makikita dito ang iba’t-ibang senaryo ng pagkakamali sa baybay ng salita.
Halimbawa nito ay ang dalawang larawan sa itaas. Una, ang senaryo ng isang
tindahan ng uling kung saan ang baybay nito sa salitang uling ay “oling”.
Pangalawa ay sa isang restawran na sa halip na fork ay pork ang ginamit na alam
ng karamihan na ito ay nangangahulugang karne ng baboy.
Makikita rin sa aming
isasagawang blog ang ideya mula sa artikulo ng isang website (http://www.telegraph.co.uk). Papaloob sa
bahaging ito ang ilan sa mga nakakairitang salitang Filipino hindi lamang sa
maling pagbaybay dito ngunit maging sa ipinakakahulugan nito. Halimbawa ng mga
salitang ito ay ang sumusunod:
·
Kaganapan
·
Tuldukan
·
Matutunan/
Natutunan
·
Barangay/
Baranggay
·
Ng
·
Mga
friends, Mga classmates, Mga Cellphones
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento